Ang mababasa mo sa ibaba ay isang sulat na binigay sa akin nung last year ko sa St. Paul, retreat letter to.. Wala lang.. Naghahagilap kasi ako ng kopya ng resume ko sa Yahoo!Mail ko, ng makita ko to.. Gusto ko lang i-share, galing to sa isang mahalagang tao sa buhay ko noon at ngayon..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dear Abigail San Juan Olarte,
Sana okay ka naman habang binabasa mo to. Kung may sasabihin ako sayo masasabi kong hindi ko yun magagawa ng pasulat kasi mabagal akong magsulat. Naiisip ko pa lang nakakawala na sa akin yung ideya kasi mabagal ako magsulat. Pero ngayon pipilitin kong habulin yun lahat. Mas maganda sana kung maibibigay ko sayo to ng personal o kaya ay sulat kaamay ko talaga kaya lang pag sulat kamay ko ang gagamitin aabutin to ng medyo may katagalan.
Kung pag iisipan mabuti ang mga nangyari sa kin na may kaugnayan sa pagdating mo sa buhay ko. Masasabi kong makabuluhan ang mga bawat oras na pinagsamahan natin. Ang dami dami kong aral na napulot ng daahil sayo. Natuturuan mo ko sa mga buhay at pakikisama. Bawat araw may natututunan. Dati nga naaalala ko pa nung nagalit ka sa kin kasi mababa grades ko sa Philippine Constitution. Tapos sabi mo dapat pinagbubutihan ko pang lalo yung pag aaral ko. Hindi dapat makuntento sa pasado dapat highest. Yung mga sinasabi mo sa kin ay ninanamnam ko talagang mabuti.
Masaya ko noon. Walang mga pagkakataon na pinagsisihan ko yung mga nangyari sa atin. Kahit na nagkakaron tayo ng away naiisip kong kaya ganun kasi "we want to improve." Lagi mo akong natutulungan tapos ako gusto kiitang matulungan lagi. Gusto kong gabayan ka hanggang makitang kayang kaya mo na. Alam ko kasi na meron kang wala sa iba. Masyado kong naramdaman ang pagmamahal mo kaya sa palagay ko isa ko sa mga pinakamaswerteng tao sa mundo. Hinding hindi ko makakalimutan ang pakiramdam kung gaano mo ko minahal.
Sana ako din naparamdam ko sayo ang pagmamahal ko. Kahit sa sandaling panahon lang. Hanggang nngayon gusto kong lagi kang maging ayos. Gusto kong matulungan ka pag kailangan mo. Pero pag nakikita kong ako dahilan ng paghihirap mo. Basta.
Ang ganda ganda ng paligid ko pag nalalaman kong ako ay mahal mo. Magandang musika ang dulot mo sa kin. Malinaw pa sa alaala ko ang kagandahan mo. Kung pano mo sabihing amoy usok ka pero nababanguhan pa rin ako. Kung pano mo sabihing dugyot ka pero ako nga bagong ligo pero ang baho. Napaka talaga.
Sana kahit san ka man makarating laging may lingon ka pa rin na babauinin. May mga taong nakatingin sayo mula sa malayo kaya wag mong iisiping nag iisa ka lang sa lakad mo. Alam kong magiging mabuti kang asawa at mabait na ina. Swerte ang mamahalin mo't makakasama hanggang sa katapusan. Lagi mong tatandaan na dapat lagi mong alagaan ang sarili mo at wag mong papabayaan ang sarili mo sa lahat at lagi ka dapat mag iingat.
Ang hindi maganda sa isang sulat ay ang paalam. Paano ko ipapakita sayo ang sulat na ito ng walang paalam. Basta. Isipin mo na lang na walang paalam ito.
Salamat & wag kang matakot. May nakatingin sayo mula sa malayo. (Kaya dapat good girl ka) Lagi kang mag iingat. Basta.

No comments:
Post a Comment